Dalawang lugar pa sa Muntinlupa ang isinailalim sa dalawang linggong total lockdown.
Huwebes ng tanghali nang ianunsyo ang Extreme Localized Community Quarantine sa limang kalye sa Katarungan Village na isang private subdivision sa Barangay Poblacion matapos makapagtala ng 17 aktibong kaso.
Sa mga nasabing kalye rin nakatira pa ang maraming high risk group tulad ng senior citizens, kabataan at buntis.
Hinarangan na ang mga nasabing kalye at pinagbawalan nang lumabas ang mga residente maliban na lamang kung mayruong emergency.