Dalawa pang kumpaniya ng minahan ang sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources o DENR
Ito’y makaraang hindi makasunod ang mga kumpaniyang Century Communities Corporation at Austral – Asia Link Mining Corporation dahil sa hindi ito nakasunod sa mga itinakdang requirements ng Environmental Management Bureau
Ayon kay DENR Undersecretary Ipat Luna, hindi nakakuha ng permit ang century communities sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS para sa isasagawang ground water survey sa kanilang housing project sa La Mesa Ecopark sa Quezon City
Habang napapagitnaan naman ng dalawang bundok ang Austral Asia kung saan, maraming tanim na Bonsai at tahanan din ng mga endangered species tulad ng agila ang namemeligro dahil sa Nickel Mining
By: Jaymark Dagala