Tatlo pang national political parties at anim na local group ang nakipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago o HNP regional party ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang mga ito ay ang Nationalist People’s Coalition o NPC at National Unity Party o NUP, mga local political party na Serbisyo sa Bayan Party ng Quezon City, Alyansa Bol-anon Alang sa Kausaban o ABAKA ng Bohol at Aggrupation of Party for Progress o APP ng Zamboanga del Norte.
Bagaman hindi kabilang ang Nacionalista Party sa mga pangunahing partido na nakipag-alyansa sa HNP, isa sa leader ng NP na si Senator Cynthia Villar sa mga lumagda sa kasunduan sa Blue Leaf Filipinas Aseana sa Parañaque City.
ICYMI: Alliance agreement signed between Nacionalista Party & Hugpong ng Pagbabago #SamaSamaWalangIwanan#AngBayanHigitSaLahat pic.twitter.com/RBuYBnG60q
— Cynthia Villar (@Cynthia_Villar) August 14, 2018
Lumagda para sa NPC sina dating Congressman Mark Llandro Mendoza, Cong. Fredenil Castro para sa NUP, Norris Oculam para sa ABAKA at Cong. Seth Frederick Jalosjos para sa APP.
Pasok din sa alyansa ang Ilocano Timpuyog at NP-Ilocos Norte Chapter ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Kambilan ni Pampanga Governor Lilia Pineda, Padayon Pilipino ni Governor Nadya Emano-Elipe ng Misamis Oriental at Serbisyo sa Bayan Party ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.
—-