Dalawa pang Pilipino sa abroad ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19, dahilan upang umabot na sa 1,018 ang death toll.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 14,896 ang kaso ng COVID-19 sa ibayong dagat matapos na 18 pang mga kababayan natin ang nagpositibo sa virus.
Pumalo naman sa 9,379 ang bilang ng mga gumaling makaraang madagdagan ito ng 13 recoveries.
Sa kasalukuyan nasa 4,499 Filipino patients ang patuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan abroad.
Pahayag ng DFA, kumpara noong nakalipas ng linggo, bumaba ngayon sa 6.83% ang total number ng COVID-19 fatalities.
Samantala, tumaas naman sa 62.96% ang total recoveries sa labas ng bansa, habang umakyat sa 30.20% ang mga under treatment na mga Pilipinong nagpositibo sa virus.