Kinumpirma ng Egyptian Ministry of Environment ang pagkasawi ng dalawang babae matapos atakihin ng pating sa Red Sea.
Batay sa ulat, nangyari ang ‘shark attack’ sa magkahiwalay na lugar, kung saan isang nasa kwarenta anyos na babae ang biktima habang ang isa naman ay isang sisenta otso anyos na austrian national.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni governor ng Red Sea Governorate na si Major General Amr hanafi na suspindihin ang lahat ng mga aktibidad sa mga lugar na pinangyarihan ng insidente.
Isang komite naman ang binuo upang alamin ang rason sa likod ng naganap na shark attack sa lugar.