Nakarekober na ang dalawa sa tatlong kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 habang nananatili pa ang isa sa ospital ng Iloilo City.
Ito ang inihayag ng department of Health Western Visayas Center for Health Development (DOH WV CHD).
Sinabi ni Director Ma. Sophia Pulmones, lahat ay pawang mga senior citizens, dalawa ay lalaki na mga lokal na kaso at isang babae na Returning Overseas Filipino (ROF) mula sa America.
Ang nasabing dalawang local cases ay parehong mula sa lalawigan ng Iloilo na 69 years na lumabas nitong Martes at isang 66 years old na patuloy na nagpapagaling.
Habang ang 60 years old na ROF na naka-recover na din ay dumating sa Pilipinas nuong April 20 at pumunta sa Iloilo nuong April 25 at nagpositibo nuong April 27.
Lahat ng tatlong specimen ay ipinadala sa University of the Philippines-Philippine Genome Center Visayas noong Mayo 12 at lumabas na positibo para sa subvariant ng Omicron ayon sa resulta na inilabas noong Mayo 16.
Isa sa tatlong malalapit na contact ng ROF ang nag-negatibo habang nasa ilalim ng verification ang status ng dalawa pa.