Dalawa ang sugatan habang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa Parañaque City.
Naganap ang sunog sa Valley 6 barangay San Isidro bago mag-ala-1 ng madaling araw na umabot sa ika-apat na alarma.
Nasa 50 bahay ang naapektuhan at pansamantalang nananatili ang mga residente sa isang covered court.
Tinatayang aabot sa 600,000 pesos ang halaga ng pinsala at ari-arian ang natupok ng sunog.