Timbog ang dalawang lalaki na nakuhanan ng mga armas at illegal drugs sa isang checkpoint sa Davao City.
Ayon sa Davao City Police, naharang nila katuwang ang Task Force Davao ang mga suspek na sakay ng isang pick up truck.
Dalawang pistola ang unang nakuha sa mga suspek subalit tumambad sa mga otoridad sa pag inspeksyon sa sasakyan ang hindi bababa sa anim napung armas at ibat-ibang uri ng bala.
Ang mga armas ay nakapangalan umano sa isang security agency subalit walang dalang travel authority o permit to transport para sa mga ito ang mga suspek na nahaharap na sa mga kaukulang kaso.