Tuluyan nang kinansela ng National Housing Authority o NHA ang kontrata nito sa may 20 construction companies.
Ito’y bunsod na rin ng kapalpakan sa pagtatayo ng mga pabahay sa Eastern Samar para sa mga biktima ng ‘super bagyong’ Yolanda noong 2013
Paliwanag ni NHA Chief of Staff John Christopher Mahamud na batay sa kanilang pagsusuri sa naging performance ng mga contractor, aabot sa 15 porsyentong delay ang rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Bunga na rin aniya iyon ng kabiguan ng mga naturang developer na magtalaga ng sapat na tauhan para tapusin ang mga proyekto sa itinakdang panahon ng gobyerno.
—-