Dagdag na dalawampu’t tatlong (23) mga OFW mula sa Kuwait ang dumating sa bansa kaninang umaga.
Lumapag ang Etihad Airways Flight Ey424 lulan ang naturang mga manggagawang pinoy kaninang 11:30 ng umaga.
Winelcome ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration ang mga dumating na manggagawa kung saan pinagkalooban sila ng tig – limang libong (5,000) piso.
Sa huling tala, umaabot na sa higit isang libo at isang daang (1,100) mga OFW ang nagbalik bansa matapos na mag – avail ng amnesty program.