Pinangangambahang sumadsad pa ang industriya ng lokal na paputok sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagpasok ng mga imported na paputok mula China.
Ayon kay Joven Ong, Pangulo ng Philippine Fireworks Association, humigit kumulang 200 container ng mga smuggled na paputok mula China ang ipinapasok sa Pilipinas kada taon.
Ibinunyag ito ni Ong kasabay ng isinagawang paglilibot ng mga awtoridad sa mga pagawaan at tindahan ng mga paputok sa mga bayan ng Bocaue at San Rafael sa Bulacan.
Pinakamalaki aniya sa mga ipinupuslit na paputok sa bansa ay ang piccolo na siya namang nangunguna sa listahan ng mga ipinagbabawal na paputok salig sa Republic Act 7183 at Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-