Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na mahaharap sa kalaboso ang sinumang nasa likod ng kontrobersyal na vaccine slot for sale.
Ito ang matigas na pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleaar makaraang may makitang dalawang anggulo ang Anti- Cybercrime Group at ang Criminal Investigation and Detection Group ng Pulisya hinggil sa usapin.
Una aniyang posibleng motibo ay makapanloko lamang kaya’t nilika ang scam na ito para pagkakitaan at ang ikalawa naman ay posibleng ginagamit ito sa Pulitika.
Batay kasi sa imbestigasyon ani Eleazar, may partikular lamang na tao ang inaalok ng umano’y nagbebenta ng slot para sa bakuna kontra COVID 19 na tanging ang mga Lokal na Pamahalaan lang ang may access.
Tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng CIDG at ACG, at lahat ng anggulo ay aming tinututukan kasama ang posibilidad na ito ay online scam lang o kaya politically motivated para siraan ang mga nabanggit na mga local government units. Ganun pa man hindi titigil ang PNP para tugisin at managot ang mga taong nasa likod nito. Hinihikayat ang ating mga kababayan na ipagbigay alam sa inyong PNP through our ESumbong kung makakatanggap kayo ng gantong klaseng offer lalo na sa inyong mga social media accounts,” ani Eleazar.