I-tinurn-over na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang dalawang babaeng pulis na pinalaya ng grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. John Bulalacao, dakong alas tres y medya kahapon sa Davao City nang i-turn-over ni Pangulong Duterte kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde sina Police Officer 2 Benierose Alvarez at Police Officer Dinah Gumahad.
Nasa Davao City din si MNLF founding chairman Nur Misuari na sinasabing tumulong upang mailigtas ang mga nasabing pulis.
Abril 29 nang dukutin ng Abu Sayyaf sina Alvarez at Gumahad sa Patikul, Sulu na kalauna’y itinurn-over ng teroristang grupo sa Moro National Liberation Front sa Barangay Buanza, Indanan.