Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong Commissioners ng Commission on Higher Education (CHEd).
Papalitan ni libre si Outgoing Commissioner Perfecto Alibin habang hahalili si Canapi kay Lilian De Las Llagas, na nagtapos ang termino noong July 21, 2021,
Nagsilbi si Libre bilang Vice President for Communications and External Affairs sa Jose Maria College Foundation Incorporated sa Davao City.
Si Canapi naman ay naging second president ng University of Rizal System, Vice President of Academic Affairs ng University of Makati at Vice President for Academic Affairs ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
Samantala, nagpasalamat naman si CHEd Chairman Prospero De Vera sa mahusay na liderato at ambag nina Alibin at De Las Llagas sa mga governing board ng kani-kanilang state universities and colleges.