Mababa ang tsansa na magkaroon muli ng panibagong bagyo sa bansa sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad ng may mabuong bagyo sa loob ng dalawang linggo kung kaya’t nakababa ang tropical cyclone threat potential sa loob ng nasabing panahon.
Dagdag pa ng weather bureau, mula noong November 1 hanggang sa November 7 wala umanong nakikitang ‘TC-like vortex’ o TCLV sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
May posibilidad anila na magkaroon umano ng TCLV sa monitoring domain ng PAGASA mula November 8 hanggang November 14.
Gayunman, una nang sinabi ng state weather bureau na posibleng makapasok sa loob ng PAR ang isa hanggang dalawang bagyo ngayong buwan. - sa panulat ni Alyssa Quevedo