Patay ang dalawang bata matapos na makulong sa nasusunog na bahay sa Tagbilaran City.
Kinilala ang mga magkakapatid na biktima na sina Mary Jade Arayan, walong taong gulang at Mary Joy Arayan limang taong gulang habang nakaligtas naman sa sunog ang panganay na si Mary Jane, siyam na taong gulang.
Iniiwan umano ng kanilang ina ang magkakapatid habang ito ay nasa trabaho.
Nagmula umano ang sunog sa isang kandila na nahulog sa foam na hinihigaan ng mga biktima.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay rin ang mga kalapit nitong bahay.