Tinatayang nasa tatlumpu’t apat (34) ang bilang ng nasawi habang labing isa (11) pa ang nawawala sa dalawang bayan sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Sinasabing bahagi ito ng halos dalawandaang (200) nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Vinta sa Visayas at Mindanao dahil sa landslide at flash floods.
Una rito, isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Gutalac at Salug sa Zamboanga Del Norte bunsod ng pananalasa ng bagyo.
Hindi pa rin madaanan ang mga kalsada sa bahagi ng mga Barangay Mamawan at Canupong sa Gutalac sanhi ng pagguho ng lupa sa lugar at nasirang tulay na nag-uugnay sa mga bayan naman ng Baliguian at Siocon.
Ngayong hapon lang din, idineklara na ng City Council ng Davao ang state of calamity sa kanilang lungsod bunsod ng pagtama ng Bagyong Vinta sa kanilang lugar.