Nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19 ang dalawang bishop sa bansa para matiyak ang kaligtasan laban sa virus.
Sa isang post online, tinukoy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga bishop na naturukan na ng bakuna ay sina Baguio City Bishop Victor Bendico at Jaro, Iloilo Archbishop Romeo Lazo.
Mababatid na natanggap ni Bendico ang unang dose ng bakuna nang hindi pa tinutukoy na brand noong ika-19 ng Marso.
Habang si Lazo naman ay naturukan ng AstraZeneca vaccine noong ika-15 ng Marso.