Inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na tuloy na ang dalawang buwan na libreng sakay ng LRT-2.
Ito ang inihayag ni LRTA Administrator Hernando Cabrera bilang tugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga estudyante sa pagsisimula ng face-to-face classes ngayong Agosto a-22.
Ayon kay Cabrera, layon nito na maibsan ang gastusin ng mga estudyante sa pamasahe sa loob ng dalawang buwan.
Samantala, pagkatapos ng Nobyembre a-singko ay ibabalik na ang normal na 20% discount para sa mga estudyante.