Nakatakdang dumating sa susunod na buwan, ang dalawang segunda manong C – 130 plane mula sa Amerika.
Ayon kay Col. Robert Musiko, tagapagsalita ng Airforce, ngayong buwan sana darating ang dalawang C – 130, subalit ito ay iniurong sa susunod na buwan.
Ang segunda manong military transport aircraft ay binili ng pamahalaan sa halagang 2.6 Bilyong Piso.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal