Inirereklamo ng kumpaniyang Marsman Estate Plantation Incorporated ang dalawang opisyal ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Ito’y dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa mga magsasakang benepisyaryo sa repormang agraryo hinggil sa agribusiness venture na kanilang pinasok sa kumpaniya.
Sa ipinaabot na liham ni Marsman Estate President Anter Sison Jr sa Presidential Agrarian Reform Council, nababahala sila sa ginawa ng hindi pinangalanang opisyal ng kagawaran.
Magugunitang isang pulong ang isinagawa kamakailan sa pagitan ng mga opisyal ng DAR at mga magsasakang benepisyaryo para talakayin ang agribusiness venture ngunit hindi isinama rito ang kumpaniya.
Ang Marsman Estate ang siyang may-ari ng banana plantation na nakabase sa Davao.
By: Jaymark Dagala