Inirereklamo ng mga member beneficiaries sa Davao Del Norte ang dalawang opisyal ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Kaugnay ito sa anila’y tangkang panlilinlang sa kanila ng mga nasabing opisyal hinggil sa kanilang agri-business venture agreement sa kumpaniyang MEPI o Marsman Estate Plantation Incorporated.
Ayon kay Roland Lusterio, isa sa mga miyembro ng Davao-Marsman Agrarian Reform Beneficiaries Development Cooperative, pinayuhan aniya sila nila Undersecretaries Marcos Risonar at David Erro na maging handa sa posibleng pagsasara ng kanilang tinatanimang lupa sakaling mabasura ang kanilang kasunduan.
Pinangangambahang 1800 mula sa hanay ng mga agrarian reform beneficiaries ang posibleng mawalan ng trabaho habang nasa 8000 naman ang mga dependent ang maaapektuhan.
By: Jaymark Dagala