Sumuko sa mga awtoridad ang dalawang taga-suporta ng lokal na teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Piagapo, Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga ito na sina Farhan Salik alias Orak at Alimoden Maunada.
Ayon kay Philippine Army 82nd infantry battalion commander Lt. Col. Rafman Altre, namagitan sa pagsuko ng dalawa ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang barangay chairman.
Agad namang isinailalim sa custodial debriefing ng dalawang sumukong miyembro ng Dawlah Islamiyah.