Arestado ang dalawang dayuhang nagmamay-ari ng isang Soup Station sa Malate Maynila matapos lumabag sa umiiral na liquor ban sa lungsod.
Ayon kay Manila Police District Smart Chief Major Rosalino Ibay Jr., nahuling nagbebenta ng alak ang dalawang suspek sa kabila ng umiiral na liquor ban.
Aniya, natuklasan ang mga alak na itinago sa 12 kahon ng mga prutas sa loob ng establisyimento.
Maliban dito, binigyan din ng cease and desist at closure order ng Manila Health Department ang Soup Station dahil naman sa pag-ooperate nang walang sanitary at business permit.
Ipinagharap ang dalawang dayuhang suspek ng mga kasong paglabag sa guidelines ng general community quarantine, liquor ban, omnibus revenue code at code on sanitation of the Philippines.