Patay ang dalawang drug suspek matapos manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy bust operations sa Padre Garcia sa Batangas.
Kinilala ng Padre Garcia PNP ang mga napatay na sina Louie Mendoza at Richard De Guzman na kilala umanong kilabot na nagtutulak ng shabu sa lugar.
Ayon sa Batangas provincial police office, nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis subalit nakatunog ang mga suspek kaya’t doon na sumiklab ang mainitang putukan at nagresulta sa pagkasawi ng mga target.
Nakuha mula sa mga ito ang anim na pakete ng shabu na may bigat na 250 grams at nagkakahalaga ng P1.7-M gayundin ang P350,000 na boodle money at dalawang baril. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)