Hindi bababa sa 207 katao ang nasawi habang nasa 900 ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong tren sa Odisha, India kahapon.
Ayon sa mga opisyal ng gobyerno sa Silangang Estado ng India, ito ang pinaka-nakamamatay na aksidente sa riles sa India sa loob ng mahigit isang dekada.
Sinabi naman ni Pradeep Jena, Punong Kalihim ng Estado, na inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Daan-daang kabataan naman ang pumila sa labas ng isang government hospital sa Odisha’s Soro para mag-donate ng dugo.
Naganap ang banggaan bandang alas-7 ng gabi lokal na oras nang ang Howrah Superfast Express, na tumatakbo mula Bangalore hanggang Howrah, West Bengal, ay nadiskaril at nasangkot sa Coromandel Express, na tumatakbo mula Kolkata hanggang Chennai, sinabi ng mga opisyal ng riles.