Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng terrorist group sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Tayabas Quezon at Calamba Laguna.
Batay sa ulat, nadakip sa Tayabas ang suspek na kinilalang si Saidie Saro.
Nasabat mula sa pagmamay-ari nitong sari-sari store ang isang granada, mga bala at isang Improvised Explosive Device (IED).
Habang naaresto sa bayan ng Calamba ang isa pang suspek na si Bobby Bagunatan Sarip na nakuhanan naman IED at cellphone.
Ayon sa pulisya, kapwa nakumpiskahan ng ISIS flag ang dalawang suspek habang patuloy namang inaalam kung saang subgroup konektado ang mga ito.
Una nang nakakuha ng intelligence information ang pulisya sa umano’y planong paghahasik ng terorismo ng mga miyembro ng ISIS kasabay ng gaganaping SEA games sa bansa.