Timbog ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng halos P20K halaga ng hinihinalang shabu sa Orion St., Brgy. 67, Pasay City.
Kabilang sa mga naaresto si Raphael Relucio at si alyas Totoy na isang menor de edad.
Maliban sa buy-bust money na tatlong daang piso, nasabat din mula sa dalawa ang higit 19,000 pesos na halaga ng umano’y shabu at anim na raang pisong halaga ng marijuana.
Nasa custody na ng Pasay Police si Relucio habang dinala naman sa Pasay Youth Center si alyas Totoy.