Hindi pa tuluyang absuwelto sa mga anomalya sa Bureau of Customs sina Davao City Vice Mayor Paolo “pulong” Duterte at bayaw nitong si Atty. Mans Carpio
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Senador Antonio Trillanes IV makaraang humingi ng paumanhin ang customs broker na si Mark Taguba sa dalawang ka-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa panayam ng programang Usapang Senado kay Trillanes, nasabi na ni Taguba ang kaniyang mga nalalaman hinggil sa nangyaring pagpapalusot ng droga sa customs kaya’t hindi na ito mabubura sa record ng pagdinig
Kasunod nito, iginiit ni Trillanes na hinarass lamang si Taguba para linisin sa anomalya sa customs ang sina pulong at Atty. Carpio.
Mga ebidensyang nag-uugnay kay VM Duterte sa smuggling ilalantad ni senador Trillanes
Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na matagal nang sangkot sa smuggling ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa panayam ng programang Usapang Senado kay Trillanes, sinabi nito na kaniya lamang inilalantad sa publiko ang mga nakatagong ugali ng pamilya ng Pangulo
Nuon pa aniya nag-ooperate ang Davao Group na pinatotohanan naman ni Senador Panfilo Lacson sa kaniyang naging privelege speech
Kasunod nito, sinabi ni Senador Trillanes na ilalabas niya ang kaniyang mga ebidensya na susuporta sa kaniyang mga alegasyon sa tamang panahon
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE