Dalawang panibagong kaso ng monkeypox o Mpox ang naitala sa Quezon City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang ikalawang kaso ay isang 29-anyos na lalaki habang isang 36-anyos na lalaki naman ang ikatlong kaso ng Mpox sa lungsod.
Dagdag pa ng Quezon City LGU, kasalukuyang naka-isolate sa bahay ang dalawa at tiniyak na nakakatanggap ang mga ito ng atensyong medikal.
Kaugnay nito, nagsagawa na ng contact tracing ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division at mahigpit na ring binabantayan ang mga natukoy na indibidwal na na-expose sa mga pasyente.
Sa kabuuan, mayroon nang tatlong kaso ng Mpox sa Quezon City.