Dalawang kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 ang naitala sa isang ospital sa Batangas.
Ito ang sinabi ni Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association (PMA) President na dalawa ang nakitaan ng Omicron subvariant na mula sa Canada ang kaslaukuyang ginagamot na sa naturang ospital.
Dagdag pa ni Atienza na hindi ito agad na-detect dahil kakaunti lamang ang nagpapatest sa COVID-19.
Iminungkahi nito na dapat mas paigtingin muli ang testing, tracing at treatment para hindi na kumalat pa ang panibagong subvariant.
Dahil dito, nagpaalala naman si atienza sa mga galing sa ibang bansa na mag-self quarantine at magpasuri pagkarating sa bansa para makasiguro na walang dalang virus.