Ibinasura ng Ombudsman ang dalawang kaso ng graft at malversation na isinampa laban kay Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Kaugnay ito ng umano’y anomalya sa pagbili ng 115 milyong pisong halaga ng mga educational materials mula 2000 hanggang 2001 habang nanunungkulan pa bilang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor si Misuari.
Sa ipinalabas na resolusyon ng tanggapan ng Ombudsman, nakasaad na walang sapat na ebidensiyang magpapatunay na nakipagsabwatan si Misuari sa iba pang mga akusado para kumita at paburan ang kumpanyang White Orchids Printing and Publishing House.
Gayunman, nakasaad din sa resolusyon ng Ombudsman na napatunayan namang guilty si Misuari sa apat na kaso ng graft at malversation sa transaksyon ng DepEd-ARMM sa mga kumpanyang MBJ Learning Tools at CPR Publishing House.
Magugunitang, Setyembre noong nakaraang taon nang maglagak ng piyansa si Misuari matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pagpapaaresto rito dahil din sa kasong katiwalian.
—-