Dalawang mahahalagang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Sultanate of Brunei Darussalam.
Kapwa sinaksihan ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah at Pangulong Rodrigo Duterte paglalagda ng Memorandum of Understanding nila DFA Acting Secretary Enrique Manalo at Brunei Foreign Minister Prince Mohamed Bolkiah.
Kabilang sa mga nilagdaan ang pagsusulong at pagpapaibayo ng kaalaman at pang-unawa ng kultura sa visual, musical, performing arts, literature at cultural activities.
Sunod namang nilagdaan ang MOU hinggil sa Halal Industry at Halal Products Development na siyang magbibigay pundasyon para sa bilateral cooperation ng dalawang bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping