Nasawi ang dalawang biker sa naganap na pagsabog ng isang pinaghihinalaang anti-personnel land mine (APM) sa Masbate City noong Linggo, ika-6 ng Hunyo, 2021.
Base umano sa isinagawang imbestigasyon, papunta ang mga biktima sa Barangay B. Titong nang tamaan ang mga ito ng sumabog na land mine na pinaghihinalaang itinanim ng mga myembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon sa inilabas na pahayag ng pulisya, nasawi ang magpinsang sina Keith Absalon, edad 21 taong gulang at isang varsity player sa FEU at si Nolven Absalon, na edad 40 taong gulang.
Habang sugatan naman at ginagamot sa hospital ang anak ni Nolven na si Chrisbin Daniel Absalon, edad 16 taong gulang.
Samantala, naghigpit naman ng seguridad ang mga pulis sa Masbate City matapos ang pangyayari.
Patuloy naman ang paggulong ng imbestigasyon at paghanap sa kinaroroonan ng mga salarin.