Dalawang katao ang patay habang anim na opisyal naman ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga pulis sa British Columbia.
Dahil dito, agad namang rumesponde ang emergency response team sa pinangyarihang lugar sa Bank of Montreal sa Saanich, sa Vancouver Island, malapit sa hangganan ng estado ng US ng Washington, bandang alas-12 ng umaga.
Inilikas na rin ang mga malapit na indibidwal at mga negosyo dahil sa pagkakaroon umano ng pampasabog sa isang sasakyan na pag mamay ari ng isang suspek.
Ayon sa pulisya ng saanich, patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.