Dalawa ang patay sa karambola ng apat na sasakyan sa lalawigan ng Isabela.
Kinilala ng Ilagan PNP ang mga nasawi na sina Micheal Sanchez, 38-anyos na isang Project Contractor gayundin si Crismel Delos Santos, 40-anyos.
Sangkot sa aksidente ang tatlong 10 wheeler truck at isang tricycle habang binabagtas ang national highway sa barangay Upi sa lungsod ng Ilagan.
Sinasabing sakay umano ng tricycle ang dalawa nang maipit sa pagitan ng dalawang 10 wheeler truck at sinalpok pa ng kasunod na isa pang truck na siyang dahilan ng agarang pagkasawi ng mga biktima.
Posted by: Robert Eugenio