Patay ang 2 indibidwal matapos aksidenteng masagsaan ng isang truck sa Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway o TPLex.
Ayon kay Julius Corpus, Toll Regulatory Board Corporation, spokesperson, nagpapalit lamang ng gulong ng nasira nilang sasakyan ang 2 biktima nang mahagip ng isang truck sa northbound ng nasabing daanan pasado alas dose tanghali kanina
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.