Nahulog sa kamay ng otoridad ang dalawang high value-targets matapos ang matagumpay na ikinasang buy-bust operation sa Cebu City.
Ayon kay Cebu City Police Office Deputy Director for Operations Lieutenant Colonel Wilbert Parilla kapwa taga-Sitio Ponyang Barangay Duljo Fatima ang mga suspek na kinilalang sina Estrella Villanueva at Bernabe Ragusta.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa P2.7M ng hinihinalang shabu.
Ani Parilla, nagawang masabat ng Mambaling police ang 410grams ng shabu sa isinagawang operasyon.
Parehong may kinalaman sa droga ang isasampang kaso kina Villanueva at Ragusta.—sa panulat ni Joana Luna