Patay ang apat katao kabilang ang dalawang kasalukuyang konsehal ng bayan ng Lasam sa Cagayan matapos tambangan.
Kinilala ang mga biktima na sina Marjorie Salazar, dating alkalde ng Lasam at ngayo’y konsehal; Eduardo Asuten, dating vice mayor at ngayoy konsehal din, John Rey Apil at Aiza Manuel.
Ayon kay Lasam chief of police Major Pablo Tumbali, sakay ang mga biktima ng isang SUV at binabagtas ang national highway sa bahagi ng barangay Ignacio B. Jurado nang harangin ng dalawang sasakayan at saka pinagbabaril.
Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima pero idineklara na ang mga itong dead on arrival.
Kasunod nito, nagtatag na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang pulisya para mapabili ang imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin sa krimen.