Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng umano’y shabu at baril sa Purok 4 Extension, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Louie Mercado, 26 years old at Jose Baldonado Jr., 23 years old at isang bodegero.
Ayon kay SPD o Southern Police District Director PBGEN Jimili Macaraeg, nakuhanan sina Mercado at Baldonado ng higit 24,000 pesos na halaga ng umano’y shabu at dalawang kalibre .38 na baril at walong bala.
Nakakulong na ngayon ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang reklamo.