Magkakasa na ng dalawang linggong travel ban ang gobyerno sa lahat ng mga biyaherong manggagaling sa India o mayroong travel history sa nasabing bansa.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay para na rin sa kaligtasan ng lahat sa gitna nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa India kung saan daan daang libo ang naitatalang bagong kaso nito araw-araw.
Ang nasabing temporary travel ban ay epektibo bukas, ika-29 ng Abril hanggang ika-14 ng Mayo.
Una nang inirekomenda ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang pansamantalang pagbabawal na makapasok sa bansa ang mga biyahero mula sa India.
Samantala ang gobyerno ay nakapagtala na ng 659 B117 o UK variant cases, 695 B1351 o South African variant cases, dalawang P1 o Brazil variant case at 148 cases ng P3 variant na unang na detect sa central Visayas.