Handa ang pambansang pulisya sa mga posibleng pag-atake ng CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army.
Ito ang tiniyak ni PNP Chief Dir/gen. RONALD bato Dela Rosa makaraang maaresto ang dalawang mataas na opisyal ng mga rebelde sa Bago City, Negros Occidental.
Kinilala ng PNP Chief ang mga naaresto na sina Louie Antonio Martinez at Aurora Cayon kung saan, nakuha sa mga ito ang isang kalibre 45 baril, granada at mga bala.
Si Martinez ang tumatayong logistics officer ng CPP habang si Cayon naman ang siyang tumatayong taga-hawak ng pondo ng buong grupo.
Kasunod nito, sinabi ni Bato na malaking dagok ito para sa hanay ng mga rebelde lalo’t pondo nila ang siyang iniingatan ng dalawang naaresto.