Nasawi ang apat na indibidwal habang labing-apat ang sugatan matapos yanigin ng magkasunod na magnitude 6.1 at 4.5 na lindol ang Southwestern China.
Ayon sa Chinese Authority, naramdaman ang unang pagyanig dakong alas-5 ng hapon sa china na sinundan ng isa pang lindol, ilang minuto lamang ang lumipas.
May lalim ang lindol na labing-17 kilometro at sentrong naitala sa matataong lugar ng sichuan province.
Dahil sa malakas na pagyanig, ilang bahay at pabrika ang gumuho.
Patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad sa lugar para sa mga natabunan ng landslide.