Pinawalang sala ng Quezon City Regional Trial Court sa Ampatuan massacre ang dalawang miyembro ng angkan ng mga Ampatuan.
Ayon sa desisyong ibinaba ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes, hindi sapat ang mga naiprisintang ebidensya para sabihing guilty sina Datu Akman “Tato” Ampatuan at Datu Sajid Islam Ampatuan sa Ampatuan massacre.
Kasama nina Ampatuan na napawalang sala ang humugit kumulang sa 50 pang akusado na karamihan ay mga pulis.
Dahil dito, inatasan ni Judge Solis-Reyes ang jail warden ng Quezon City Jail annex na agad palayain ang mga pinawalang sala.