Kinalma ng Malakaniyang ang mga lokal maging ang mga dayuhang turista na nais magpunta para magbakasyon sa lalawigan ng Bohol.
Ito’y ayon sa AFP o Armed Forces of the Philippines ay dahil sa hindi na maituturing na banta sa seguridad ang dalawa pang natitirang Abu Sayaf na umatake sa Bohol.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, nasa survival mode na lamang ang dalawang bandido dahil sa pinaigting na manhunt operations ng pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP.
Bagama’t tukoy na ng AFP kung saan nagtatago ang dalawang Abu Sayaf, tumanggi na si Padilla na magdetalye pa hinggil dito.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping