Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang negosyanteng taga-Maynila dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis.
Ayon sa BIR, aabot sa 7.5 Milyong Piso na buwis ang hinahabol nila mula kay Peter Que ng Claro M Recto avenue sa Tondo, Maynila para sa taong 2010.
Inireklamo rin ng BIR ang President at CEO ng Sea Dragon Shipping and Logistics Incorporated na si Marvin Gata dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwis na aabot sa 15.6 Milyong Piso para sa taong 2010.
Giit ng BIR, matagal nang inabisuhan NG bir ang mga inirereklamo hinggil sa kanilang pananagutan sa pagbubuwis subalit hindi tumalima ang mga ito.
Jaymark Dagala / Bert Mozo / RPE