Sumailalim sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago at General Manager Jojo Garcia sa self-quarantine matapos nitong direktang makasalamuha ang isang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Naunang sumailalim si Garcia sa self-quarantine, at kinalauna’y hinimok si Pialago dahil parehas itong dumalo sa isang pagpupulong kasama ng nagpositibo sa COVID-19.
Hinimok din ni Pialago ang iba na nakasalamuha ng pasyente na mag-self quarantine rin alinsunod sa protocol para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
Samantala, binigyang diin ni Pialago ang kahalagahan ng proper hygiene kontra COVID-19.
Sa panulat ni Ace Cruz.