Dalawang pelikulang Pilipino ang nakatakdang ipalabas sa 41st San Franscisco International LGBTQ Film Festival sa Amerika, sa Hunyo 15 hanggang 25.
Mapapanood sa nasabing film fest ang mga obra ni Victor Kaiba Villanueva na “Patay Na Si Hesus” at Samantha Lee na “Baka Bukas” makaraang mapili ng mga organizer dahil sumasalamin ang mga ito sa mga kakaibang istorya sa mundo.
Layunin din ng San Francisco Fest o Frameline na parangalan ang mga legendary filmmaker at tumuklas ng mga bagong talento.
Ang pelikula ni Villanueva na istoryang sumasalamin sa buhay ng pamilyang Pilipino ay pinagbibidahan ng Cannes best actress na si Jaclyn Jose habang ang obra ni Lee ay istoryang tumatalakay sa lesbian life sa pananaw ng bawat Pinoy.
By Drew Nacino
Dalawang pelikulang Pilipino itatampok sa San Francisco Film Festival sa US was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882