Lumutang ang isang bus driver na nakasaksi umano sa kaso ng panggagahasa at pagpatay sa 23-anyos na bank employee na si Mabel Cama sa Pasig City.
Kinilala ni EPD o Eastern Police District Director Chief Supt. Romulo Sapitula ang nasabing bus driver na si Randy Oavenada na nakakita umano kay Cama sa Mega Bus Terminal sa barangay Rosario dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado.
Ayon kay Oavenada, may nakita siyang dalawang lalaki na sumusunod na Cama habang gumagamit ito ng cellphone ngunit iyon na ang huling beses na nakita niya ang biktima.
Magugunitang natagpuang wala nang buhay si Cama na sunog ang kalahati ng katawan at wala nang damit pang-itaas sa grahe ng towing firm na kinumisyon ng MMDA sa Pasig City.
Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtordiad ang dalawang lalaki na inilagay na bilang persons of interest ng EPD.
SMW: RPE