Inihirit ni Senador JV Ejercito sa mga kapwa niya senador na gawing prayoridad ang mga panukalang batas na naglalayong mabigyang tulong ang mga distressed Overseas Filipino Workers o OFWs.
Sa ilalim nang inihain niyang Senate Bill 157, sinabi ni Ejercito na layon nitong maamyendahan ang “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995” para magamit ang “legal assistance fund” na tutulong sa mga OFW na nahaharap sa parusang kamatayan.
Sa ngayon aniya ay maaari lamang gamitin aang naturang pondo para sa pagkuha ng mga dayuhang abogado na magtatanggol sa OFW.
Habang ang Senate Bill 1858 naman ay layuning bumuo ng special assistance fund na gagamitin sa pagtulong sa lahat ng gastusin ng mga distressed Filipino workers.
—-